Fast at secure remittance, handog ng BDO-Seven Bank partnership
F

Fast at secure remittance, handog ng BDO-Seven Bank partnership

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Bilib ang mga Overseas Filipinos sa malakas na partnership ng BDO Unibank, Inc. at Seven Bank ng Japan, dahil mas pinabilis nito ang pag-remit ng pera sa Pilipinas. Kasama na dito sina Arianne Matucading at Den Mojica, na naka-experience ng magandang service ng dalawang bangko.

“Simple at stress-free na ang pag-send sa family ng kinita ko,” ani Matucading, sales executive sa Japan ng 11 taon na. “Kailangan kong magpadala dati ng pangbayad ng hospital bills sa Pilipinas. Nakapag-transfer naman ako agad dahil sa ayos ng service ng Seven Bank. Madali ring nakapag-withdraw ang family ko dahil sa BDO. Napaka-dependable nila, pang emergency man o pang-regular na gastusin.”

No worries. Hanga si Arianne Matucading sa partnership ng BDO at Seven Bank dahil pinadali nila ang money transfer mula Japan hanggang Pilipinas.
Effortless. Dahil sa mobile app ng Seven Bank at Kabayan Savings account ng BDO, natanggap agad ng family ni Den Mojica ang padala nyang pera.

Saludo din si Mojica, customer service officer sa Japan, sa partnership ng BDO at Seven Bank.

“Napaka-reliable ng app ng Seven Bank at very accommodating ang staff nila, lalo na sa pagsagot ng client questions. Yung mga kamag-anak ko sa Pilipinas, kahit na limited ang access nila sa mga ATM, madali nilang nakukuha ang padala ko dahil sa mga cash payout services ng BDO,” kwento nya.

Very convenient

Dahil sa reliability ng International Money Transfer mobile app ng Seven Bank, may peace of mind ang mga Overseas Filipinos sa Japan.

24/7 remittance delivery. Gamit ang International Money Transfer mobile app ng Seven Bank, sure ang mga Overseas Filipinos sa Japan sa fast at secure na remittance ng pera nila sa kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas.

24/7 remittance delivery. Gamit ang International Money Transfer mobile app ng Seven Bank, sure ang mga Overseas Filipinos sa Japan sa fast at secure na remittance ng pera nila sa kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas.

“Nakita namin na problema dati sa mga Overseas Filipinos sa Japan ang lumabas sa kanilang work para pumunta sa bangko o mga remittance center at magpadala ng pera sa family nila,” ayon kay BDO Senior Vice President at head ng Remittance, Genie T. Gloria. “Game changer talaga ang naging partnership namin with Seven Bank, dahil 24/7 na pwedeng mag remit gamit ang app nila, o alinman sa mga 27,000 ATMs nila sa Japan.”

Pinuri naman ni Seven Bank President at Representative Director Masaaki Matsuhashi ang always reliable remittance service ng BDO. “In the remittance business in general, there are some cases wherein the remittance fails to be sent. With BDO, all transactions are successfully sent by the senders and received by the beneficiaries. This is one of the strengths BDO has.”

Suportado ang mga Overseas Filipinos sa Japan. Dahil sa partnership ng BDO at Seven Bank na nagmula pa noong 2017, mabilis at walang aberyang nakakarating sa pamilya nila sa Pilipinas ang mga pinaghirapang pera ng mga Overseas Filipinos.